Thursday, June 10, 2010

Gabay sa Ortograpiyang Filipino

Gabay sa Ortograpiyang Filipino

Dr. Jovy M. Peregrino

Direktor

Sentro ng Wikang Filipino

Unibersidad ng Pilipinas

Diliman, Lungsod Quezon

RASYONAL

  • Bahagi ng pagpapaunlad sa wika ang kodipikasyon nito.

  • Mahalaga ang estandardisasyon sa usaping teknikal at edukasyong pangwika.

  • Pagsunod sa pagbabago ng panahon at kahingian sa pagbabago ng wika.

  • Pagbawas sa kalituhan ng mga gumagamit ng wika.

  • Sa pagbabagong ito, naipakikita ang tamang paggamit ng Filipino sa iba’t ibang larang.

  • Mula sa maunlad na gabay sa ortograpiya, magagamit ng maluwag at tama ang Filipino sa iba’t ibang usapin

Filipino bilang wikang pambansa

  • Tagalog – 1935 ; Pilipino – 1959; filipino – 1986

  • Wika vs dayalek vs idyolek
  • Varayti ng filipino ( rehiyunal na varayti at panlipunang varayti-media, isports, relihiyon, etc)
  • Usapin sa ispeling
  • Kadikit nito ang usapin sa alpabetong Filipino.
  • Abakadang tagalog 1940 – 20 letra
  • 1976 – sinimulan ang serye ng mga pagbabago sa alpabetong Filipino sa pamamagitan ng “Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Filipino” ng Surian ng wikang Pambansa.

  • Mula 20 letra naging 31 (c, ch, f, j,ll, enye, q,rr,v,x,z) at tinawag itong pinagyamang alpabeto

  • 1987 – binago ang alpabeto nang ilabas ang “Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” ng Linangan ng mga wika sa Pilipinas. Mula 31 naging 28. tinanggal ang mga digrapo o kambal-katinig na ch,ll,rr dahil may letrang c, h, l, r na. Puwede namang pagtambalin kung kailangan. At tinawag itong pinasimpleng alpabeto.

  • 2001 – ipinalabas naman ng Komisyon sa Wikang Filipino ang “Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling”

  • 28 letra pa rin – may kontrobersiya dito ngunit ang malaking ambag nito ay ang paghahati ng gamit ng 8 bagong letra.

  • F,j,v,z, may ponemikong katangian o isang tunog lamang (faktor,forum, sabjek, volyum, varayti)

  • C,enye,q,x na may kinakatawang higit pa sa isang tunog

  • Ambag ng sentro ng wikang filipino ng UP :tinatalakay ngayon at hango sa pagtatasa sa kasaysayan ng wika. Base sa malawak na konsultasyon ang produkto nito at kasama pa ang mayamang karanasan ng mga editor, manunulat, at eksperto sa wika (Lupon ng NCLT).

  • Nagkaroon ng ilang komento ang SWF sa 2001 revisyon sa usapin ng konsistensi at lohikal na panghihiram sa ingles o kastila.

  • Estandardizacion naging estandardisasyon o istandardiseysiyon hindi istandardisasyon

  • Objetivo naging obhetibo o objectiv hindi obhektibo

  • Prioridad naging priyoridad o prayoriti hindi prayoridad

  • Sujetivo naging suhetibo o sabjektiv hindi subhektibo

  • Ang ganitong kalagayan ay nagpapakita sa realidad na malayo na sa kaalaman ng gumagamit ng wika ang kamalayang espanyol. Dahil dito malayang napagsasama ng gumagamit ang 2 wika.

  • Sandaan – 100 ; isang daan – one road

  • Dalawandaan – 200 ; dalawang daan – two roads

  • Bukang-bibig or bukambibig (p.19:1.39)

  • Kataling-puso o katalimpuso

  • Sangang-daan o sangandaan

  • Maliban sa “punongkahoy,” “hanapbuhay” na luma at kinagawiang walang gitling

  • Nagtatapos sa “ng” na pantig na inuulit – wala itong gitling (tungtong, dingding, tingting)

  • May iba naman na nagkaroon ng asimilasyon (bumbong, linlang, pampang)

  • Sa pag-uulit naman ng salita may gitling (barong-barong, pulong-pulong, bukong-bukong)

  • Hiram na salitang nilalapian tulad ng :

  • i-salvage ; i-delete ; mag-email ; mang-snatch ; nag-hot oil ; pang-cable ; pang-jogging; pang-recital

  • Makikita dito ang paghiwalay ng hiram na salita sa ating panlapi

  • Ngunit kapag ginawang pandiwa, hindi maiwasang lagyan ng gitlapi (dinelit, hinat-oyl, inimeyl) makikita dito ang ganap na pagpasok ng hiram na salita sa sistema ng ating pagsulat.

  • Pang-abay (adverb) na “din – rin,” “daw – raw”

  • Hiwaga raw ; berde rin ; madali raw ; bago rin ; kaakbay raw ; ikaw rin– lahat nagtatapos sa patinig o malapatinig na w/y

  • Kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa pantig na ri, ra, raw, o ray, ang din o daw ay hindi magbabago

  • Maaari din ; pari daw ; sari-sari din ; para daw ; marahil magtataka kayo kung bakit may gitling ang sari-sari, dahil may salitang sari – species

  • Padamdam – uri ng pangungusap

  • Paramdam – pahiwatig

  • Madamdamin – puno ng damdamin

  • Maramdamin – naapektuhan ang damdamin/sensitive

  • Ano-ano hindi anu-ano (p.13:1.23)

  • Sino-sino hindi sinu-sino

  • Pito-pito hindi pitu-pito

  • Iba ang kaso ng paruparo/gamugamo dahil walang salitang paru or paro or gamu or gamo

  • Tandaan : haluhalo – pagkaing may kinaskas na yelo

  • Halo-halo ay magkakasama ang iba-iba

  • Salusalo – piging ; salo-salo – magkakasama

  • Makauunawa/makakaunawa

  • Makagagaling/makakagaling

  • Nakatutuwa/nakakatuwa

  • Nakaiinis/nakakainis

  • Parehong tama

  • Magba-brown-out/magbra-brown-out (p.18:1.37)

  • Magbo-blow-out/magblo-blow-out

  • Magko-clone/magklo-clone

  • Magdidribol/magdridribol

  • Magtatraysikel/magtratraysikel

  • Mapapansin na tinatanggal ang ikalawang katinig ng klaster.

  • Magsha-shampoo/magsa-shampoo

  • Magsha-shopping/magsa-shopping

  • Matsitsismis/matitsimis

  • Matsetsek/matetsek

  • Magtsotsokolate/magtotsokolate

  • Kapag digrapo isama pareho ang dalawang katinig dahil may iisang tunog naman ito

  • Magki-crystalize

  • Magda-dry-clean

  • Karaniwang inuulit ang tunog ng unang katinig

  • Mag-i-scan

  • Mag-iiskedyul

  • Mag-i-slow motion

  • Mag-i-snow

  • Mag-i-split

  • Mag-i-spray : maglagay ng “I” kapag nagsisimula sa “s”

  • Kung ang idinudugtong sa salitang ugat ay panlaping ga, pa, pala, pasa, taga, ma, maka, may, mapa, huwag nang gumamit ng gitling

  • Gamunggo; paloob; palautos; pasahimpapawid; tagaluto; makakaliwa; makatao; maysakit

  • Kapag pangalang pantangi ang salitang ugat gumamit ng gitling

  • Pa-Europa; pa-Luneta; taga-UP ; taga-Cebu; maka-Cory; maka-Nora

  • Mag-aklas/magaklas

  • Pang-ekonomiya/pangekonomiya

  • Pang-iisa/pangiisa

  • Mapang-uyam/mapanguyam

  • Mag-alis/magalis

  • Nag-isa/nagisa

  • Mahalaga dito ang gitling dahil may mali sa hitsura ng salita

  • De-kolor ; de-kahon; de-kampanilya; de-kalidad; de-gulong; de-motor

  • May gitling sa paggamit ng de.

  • Kay sigla hindi kay-sigla, kaysigla

  • Kay ganda hindi kay-ganda, kayganda

  • Kay husay hindi kay-husay

  • Kay galing hindi kay-galing

  • Ang “kay” ay pang-abay (adverb) at hindi panlapi katapat ito ng que sa espanyol, que barbaridad

  • Kapag ginamit ang pangmaramihang anyo ng pang-uri, maari nang tanggalin ang katagang “mga” sa tinutukoy na panggalan

  • Masisigla ang (mga)atleta sa palaro.

  • Matatalino ang (mga)mag-aaral sa UP.

  • Mapupula ang (mga) pisngi ng kabataan.

  • Pero kapag pandiwa dapat may mga

  • Naggagandahan ang mga babae.

  • Sina Marcos = ang mga Marcos = ang mga kasapi ng pamilya marcos

  • Ang mga painting/ang paintings hindi ang mga paintings

  • Ang mga computer/ang computers hindi ang mga computers

  • Mga lalaki/tatlong lalaki/kalalakihan hindi tatlong kalalakihan o mga kalalakihan

  • Mga babae/pitong babae/kababaihan hindi pitong kababaihan o mga kababaihan

  • Pang-akademya/akademiko hindi pang-akademiko

  • Pangkultura/kultural hindi pangkultural

  • Pampolitika/politikal hindi pampolitikal

  • Pang-agrikultura/agrikultural hindi pang-agrikultural

  • Kapag ginamit naman ang numerikal :

  • Isulat ang salitang isa hanggang siyam, 10 na kapag ten.

  • Isang bata; apat na lalaki; pitong lalawigan; 10 probinsiya

  • Tatlo sa 25 mag-aaral ang nakapasa sa bar exams. – walang “na” pagkatapos ng 25

  • Tatlo sa 26 na mag-aaral ang nakapasa sa bar exams. – may “na” dahil nagtatapos sa katinig

  • Isulat ang ngalan ng numero kapag ginamit sa simula ng pangungusap

  • Kulang ng asin ang recipe – walang asin

  • Kulang sa asin ang recipe – dagdagan ng asin

  • Mga salitang hiram sa espanyol :

  • Estilo/istilo (p.45:3.16)

  • Estasyon/istasyon

  • Estudyante/istudyante

  • Estadistika/istadistika

  • Espiritu/ispiritu

  • Espesyal/ispesyal

  • Estrikto/istrikto

  • Eskandalo/iskandalo

  • Estruktura/istruktura

  • Estorbo/istorbo

  • Desgrasya/disgrasya

  • Pero tama ang diskriminasyon (discriminacion) at hindi descriminasyon.

  • Disposisyon (disposicion) hindi desposisyon

  • Distribusyon(distribucion) hindi destribusyon

  • Iskiyerda (isquierda) hindi eskiyerda

  • Dito makikita na nagkakaroon ng laya ang gumagamit na bigkasin ang salita kahit hindi niya alam ang pinagmulan kaya nagkakaroon ito ng bagong ispeling ayon sa pagkaunawa at gamit ng gumagamit.

  • Politika hindi pulitika(p.46:3.17)

  • Opisina/upisina

  • Kombinasyon/kumbinasyon

  • Tradisyonal/tradisyunal

  • Kompleto/kumpleto

  • Tornilyo/turnilyo

  • Kompetisyon/kumpetisyon

  • Kompetensiya/kumpetensiya

  • Kompanya/kumpanya

  • Kontrata hindi kuntrata

  • Komersiyal/kumersiyal

  • Kompone/kumpuni

  • Komedya/kumedya

  • Koryente/kuryente

  • Opisyal/upisyal

  • Nasyonal/nasyunal

  • Maaring nasanay tayo sa ikalawa.

  • May ibang paliwanag pa sa p.46:3.18)

  • Konsistensi – barayti/varayti bolyum/volyum,

  • Sa usaping digrapo, pinapalitan ng “k” ang “ct” (abstrak, adik, impak, korek) (p.58:3.31)

  • Sa unahan ng pangungusap gamitin ang salita sa numero at huwag ang numerikong simbolo (dalawampu’t walong titik ang bumubuo sa alpabetong Filipino.)(p.62:4.2)

  • Kapag serye naman ng numero mas mainam gamitin ang numeriko (ang edad ng kanyang mga anak ay 27, 24, 44, at 3.

  • Daglat ng titulo ang gamitin kung buo ang pangalan (Hen. Emilio Aguinaldo)(64:4.9)

  • Buo ang titulo kung apelyido lang (Heneral Aguinaldo)

  • Maka +pangalang pantangi, dapat may gitling

  • Maka-Filipino; maka-Rizal; maka-Bonifacio

  • May gitling din sa petsa at oras

  • Ika-3 ng hapon; ika-25 kaarawan ; ala-1/ala-una ; alas-2/alas-dos

  • Katwiran – reason – ikinatwiran

  • Katuwiran – straightness - mali ang ikinatuwiran

  • Kaganapan – ganap – nagaganap – KA………….AN

  • Kailan ginagamit ang DI at HINDI?

  • DI – kapag sinusundan ng pang-uri (di maganda)

  • HINDI – kapag hindi sinusundan ng pang-uri ( hindi ako, hindi tatakbo, hindi bukas, hindi talaga)

  • Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas (vakul- ivatan word, panakip sa ulo, payyo/payew – ifugao na salita na palayaw ng ifugao, bananu – hudhud na salita para sa hagdan-hagdang palayan)

  • Panatilihin din ang orihinal na anyo ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika ( status quo, pizza pie, bouquet, samurai, french fries)

  • Ang daglat sa araw at buwan ay laging unag tatlong letra (Ene., Peb., Mar., Abr., Mayo., Hun., Hul., Ago.,)

  • dapat tandaan na ang estandardisasyon ng wika ay dapat magmula sa gumagamit nito kaalinsabaya ang kakayahan ng lahat na umunawa sa katamaan ng paggamit ng salita.

Paglalagom:

Buhay ang wika. Patuloy itong nagbabago. May mga pagkakataon na ang wika ay iba sa kayarian sa gamit nito sa lipunan. Iba ang kayariang pangwika sa gamit ng wika. May mga pagkakataong hindi umaangkop ang kayarian sa gamit. Halimbawa : siya-pantao at pambagay

Iangat ang kalidad ng wika sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga gamit nito.

Sanggunian :

  • Zafra, Galileo, S., et.al., Gabay sa Ispeling, QC: Sentro ng Wikang Filipino, 2008.

  • KWF, Gabay sa Ortograpiyang Filipino., Komisyon sa Wikang Filipino : manila, 2009.

1 comment:

  1. Ford Escape Titanium | Home - Vitanium Arts
    Welcome titanium grades to our website where you can find the products, images, photos, and titanium vs stainless steel apple watch many more titanium mens wedding band of gold titanium our high titanium color quality materials.

    ReplyDelete